PIOLO copy

KABILANG si Piolo Pascual sa mga magiging presenter sa 43rd International Emmy Awards. Siya lang ang natatanging Filipino presenter.

Nabasa namin sa press release na ang itinawag kay Piolo ay “Filipino award winning Film and TV actor.”

Gaganapin sa New York Hilton Hotel sa November 23 ang awarding ceremony hosted ng Egyptian satirist na si Bassem Youssef. Si Charo Santos-Concio, president at CEO ng ABS-CBN ang Gala Chair and Host.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Marami ang nag-congratulate kay Piolo sa pagiging presenter sa International Emmy Awards. Positive ang karamihan sa comments na nabasa namin at kung may negative comments man, iilan lang sila at wala na lang sigurong magawa.

Isa sa pinakamagandang comment na nabasa namin ang nagsabing deserving maging presenter ni Piolo at may nagsabi pang sa sobrang guwapo niya, puwede siyang pang-Hollywood. Kaya rin daw ng ating actor makipagsabayan sa mga taga-Hollywood kung mabibigyan lang ng chance.

Nauna nang naging presenter si Piolo sa Asian Film Festival last April, kaya sanay na siyang humarap sa international audience. (NITZ MIRALLES)