Gustong muling ikasa ni Hall of Fame trainer Freddie Roach si Pambansang Kamao Manny Pacquiao kay dating pound-for-pound king Floyd Maywerather Jr., pero kung takot na ang Amerikano ay handa siyang itapat dito si multiple-division champion Miguel Cotto ng Puerto Rico.

Tinanggalan ng korona ng WBC si Cotto matapos tumangging magbayad ng sanctioning fees kaya nangako si Roach na pipilitin ng Puerto Rican na patulugin ang binansagan niyang si “robotic” na si ex-WBC light middleweight titlist Saul Canelo Alvarez.

“Miguel has a great training camp for this fight,” sabi ni Roach kay Matt Christie ng Boxing News. “We’re 100 per cent ready for this fight, the biggest fight of the year. I’ve never seen Miguel better than this.”

Gusto ni Roach na patulugin ni Cotto si Alvarez, labanan sa rematch si Mayweather saka niya pagreretiruhin ang Puerto Rican.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I would love for Miguel to win this fight by knockout, call out [Floyd] Mayweather and then end his career,” ani Roach. “Miguel always tells me that if he had me in his corner when he fought Mayweather he would have knocked him out. He tells me that story all the time. I think Miguel could pull off the strategy I have to beat Mayweather. I think that would be a good fight for him. I think I could put Miguel in a very aggressive mode.”

Para kay Roach na alaga rin si Pacquiao na nagpatigil kay Cotto sa 12th round noong 2009, isa ng kumpletong boksingero ang Puerto Rican.

Para kay Roach, kahit kay Mayweather lamang natalo si Alvarez ay nakadidismaya ang depensa ng Mexican.

Pinuri naman ni Cotto ang malaking nagawang pagbabago ni Roach sa kanyang estilo kaya tinalo via 4th round knockout si dating WBC middleweight champion Sergio Martinez ng Argentina. (GILBERT ESPENA)