Jack Ma, Kris and Mr & Mrs Tan Caktiong copy

NAGHINTAY ako ng post ni Kris Aquino sa Instagram tungkol sa masasabi niya sa success ng Asia-Pacific Economic Cooperation leaders summit na maaaring isulat, pero wala.

Para sa item na ito, tinext ko siya para tanungin kung saan siya mas na-inspire, sa world leaders o sa business tycoons?

Inamin ko sa kanya na nang-eespiya ako kung saan siya mas may tendency na magpunta, lalo na kapag nangyari na ang planong retirement niya sa showbiz, sa politics o sa business sector.

BALITAnaw

#BALITAnaw: Mga sikat na personalidad na sumakabilang-buhay ngayong 2024

Alam ng napakaraming fans ni Kris na nagkakahilig siya sa negosyo. Bukod sa film production, pumasok na rin siya sa food industry at transportation. Pero marami rin ang nagsasabi na hindi na sila magtataka kung pumasok siya sa pulitika.

“Super na-impress ako kay Madame Lee, wife of Singapore PM! She is the CEO of TAMASEK (sovereign fund of Singapore) – their portfolio is Singapore $266 Billion – ‘di na kinaya ng calculator ko because Trillions of pesos na. She was so low key but a big boss! I was seated with her sa lunch.”

As follow-up, sinabi ko na nabasa ko ang post niya na bilib din siya kay Jack Ma.

“Sobrang BILIB!!! Seatmate ko siya sa APEC dinner,” text back uli niya.

Dalawang beses nag-post si Kris tungkol kay Jack Ma, una, silang dalawa lang sa picture kasama ang isa pang litrato ng Forbes Magazine na nasa cover ang Chinese tycoon, may caption na: “With Alibaba Founder Jack Ma... I was just reading about him this weekend.”

Sa pangalawang post, apat na sila, at ayon kay Kris:

“I was seated tonight with Alibaba Group’s owner Jack Ma (according to Forbes Magazine he has a US$200 Billion empire, a self-made man who started as a high school English teacher but now oversees the world’s largest online retailer, $394 billion in sales last year) & I had this picture taken with him & my bosses Jollibee Food Corp’s Tony & Grace Tan Caktiong (parent company of Chowking) -- so inspiring to be in the presence of achievers/billionaires who helped uplift the lives of so many through their foresight, drive, and fortitude. 

“Mr. Ma told me that in his home in Hangzhou China he has 5 Filipinos in his staff, and that they are among his most trusted & loyal employees.”

Nag-post din si Kris ng kuha sa kanila ni Madame Lee, na ganito ang caption:

“With Madame Lee, First Lady of Singapore, who is also the CEO of Temasek - I was seated beside her during our lunch & I thanked her for the good jobs of our Filipinos in Singapore.” 

Hindi kumontra Kris nang magkomento ako na ngayon pa lang, alam ko nang mas may leaning siya sa business kaysa politics. (DIMDO M. BALARES)