Ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paghango ng shellfish sa ilang lugar sa Aklan.

Ito ay matapos lumabas sa pagsusuri ng BFAR na positibo sa red tide toxins ang mga lamang-dagat sa coastal areas ng Sapian Bay, Pilar Bay at Batan Bay.

Kabilang sa ipinagbawal na anihin sa lugar ang tahong, talaba at iba pang kauri nito, gayundin ang hipon, pusit at sugpo.

Inabisuhan na rin ng BFAR ang mga lokal na pamahalaan sa probinsiya na mahigpit na ipatupad ang shellfish ban.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Rommel P. Tabbad