Mga laro ngayon

(Imus Sports Center)

1 pm -- Meralco vs RC Cola-Air Force

3 pm -- Philips Gold vs Cignal

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hinawi ng gutom sa korona ang Foton Tornadoes at back-to-back champion na Petron Blaze Spikers ang maghaharap para sa prestihiyosong titulo nito Biyernes ng gabi matapos kapwa iuwi ang maiigting na panalo sa kani-kanilang laban sa matira-matibay na semifinals 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa San Juan Arena.

Kinailangan ng nagtatanggol na kampeong Petron ang apat na set sa ikalawang laro upang ihulog sa labanan para sa ikatlong puwesto ang nagpakitang gilas na Cignal HD Spikers, 25-20, 26-24, 20-25 at 25-13, upang makabalik sa ikatlong sunod na pagkakataon sa best-of-three finals.

Nagtulong sina Brazilian import Rupia Inck at homegrown Rachel Anne Daquis sa krusyal na unang dalawang set upang ihanda ang Blaze Spikers sa pagsungkit sa importanteng panalo na naglapit dito sa tsansa na mapantayan ang kasaysayan sa liga na tatlong sunod naiuwi ang korona na tanging isinasagawa ng Philippine Army.

Tumuntong naman sa una nitong kampeonato ang nagpapakitang gilas na Foton Tornadoes na nilampasan ang matinik na daanan bago naitakas ang limang set na upset na panalo, 25-18, 26-24, 18-25, 20-25 at 15-8 kontra sa nanguna sa dalawang round na eliminasyon na Philips Gold.

Sinandigan ng Foton ang nagbabalik sa torneo na 6-foot-1 at dating Bradley University star na si Lindsay Stalzer na naglaro noon para sa Cignal sa season-ending conference sa pagtatala ng 26 kills at tatlong block para sa kabuuan na team-high 29 puntos tampok pa ang ipinakitang liderato sa krusyal na ikalimang set.

Inihulog ni Stalzer ang pitong puntos sa ikalimang set para sa Tornadoes na kung saan ay nagkulapso naman ang Lady Slammers na pinangunahan ng dating UCLA star na si Bojana Todorovic sa pagtanggap at mahirapan na maibalik ang bola.

“She knows the game here in the Philippines,” sabi ni Foton coach Villet Ponce-de Leon. “She is a seasoned player.

She is my captain inside the court and she knows the game very well. That’s why we never hesitated to go to her when the going was getting tough.”

Tumulong din si Jaja Santiago na nagtala ng 15-puntos habang si Katie Messing ay may 13-puntos para sa Foton.

Nagtala naman si Inck nang 18 kills upang tumapos na may 20 puntos habang si Daquis ay may 14 marka para sa Petron na nakatuon sa posibleng pagbura sa kasaysayan ng Philippine Army na itinala dalawang taon na ang nakalipas.

“We’re now back in the finals. This is our goal right from the start,” sabi lamang ni Petron coach George Pascua, na aminadong nagsagawa ng matinding pagbabago sa krusyal na ikaapat na yugto upang tuluyang dispatsahin ang HD Spikers na nanatiling uhaw na makatuntong sa kampeonato.

“Our goal is to win the grand slam. We want it very badly. And we’ll do everything to achieve it,” sabi pa ni Pascua.

Nagtala si Amanda Anderson ng kabuuang 20-puntos habang si Ariel Usher ay may 18 para sa Cignal na nahulog sa labanan para sa ikatlong puwesto matapos simulan ang torneo na may limang sunod na panalo kontra Philips Gold.

Isasagawa naman ang best-of-three na kampeonato sa Huwebes. (ANGIE OREDO)