Sa Disyembre 1, 2015 itinakda ang paglalabas ng hatol ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 74 sa kasong pagpatay laban kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Una nang itinakda sa susunod na linggo ang paghahatol kay Pemberton pero iniurong ito sa Disyembre 1 upang malikom ng iba pang mga dokumento, ebidensiya at testimonya na may kinalaman sa naturang kaso.

Matatandaang nag-ugat ang kaso ni Pemberton sa pagpatay sa Pinoy transgender na si Jeffrey Laude, alyas “Jennifer,” sa Olongapo City noong Oktubre 11, 2014.

Tinapos nitong Setyembre ni Judge Roline Ginez-Jabalde ang pagdinig sa nasabing usapin matapos iprisinta ang mga ebidensiya at salaysay ng mga testigo mula sa depensa at prosekusyon.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ang kaso ni Pemberton ay kinakailangang madesisyunan sa loob ng isang taon, dahil kung hindi ay mababasura ito, batay na rin sa kasunduan ng Pilipinas at United States. (Beth Camia)