CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Nasugatan ang isang konsehal at isang pulis matapos silang tambangan sa isang liblib na barangay sa Daraga, Albay, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Senior Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-Bicol, ang sugatang pulis na si SPO4 John A. Mallorca.

Sinabi ni Calubaquib na kasama ni Mallorca ang mga kapwa pulis na sina PO2 Dennis L. Mirafuentes, PO1 Stephen A. Mirabueno, PO1 Arvin N. Data at PO1 Renere E. Toledo at lulan sila sa Mahindra Patrol Jeep habang nagkakaloob ng seguridad sa isang barangay consultation, na pinangunahan ni Daraga Mayor Gerry Jaucian, nang mangyari ang pananambang sa Barangay Bigao sa Daraga.

Ayon kay Calubaquib, tinamaan ng bala sa kanang balikat si Mallorca, ngunit maayos na ngayon ang lagay sa isang ospital.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Dagdag pa ni Calubaquib, hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek, na pinaniniwalaang mga kasapi ng New People’s Army (NPA).

Samantala, kinumpirma sa may akda ng lalaking empleyado ni Daraga Municipal Councilor Mark Magalona na nasapol din ng bala sa paa ang konsehal sa nangyaring ambush.

Sinabi ng tagapagsalita na maayos na ang lagay ng konsehal, na kandidato para sa reelection. (NIÑO N. LUCES)