Houston – Umiskor ng 45 puntos si James Harden kabilang na ang siyam na puntos na kanyang isinalansan sa overtime upang pangunahan ang Houston sa paggapi sa Portland, 108-103, matapos sibakin ang kanilang headcoach na si Kevin McHale noong Miyerkules ng gabi (Huwebes ng umaga dito sa Pilipinas).

Isang off-balance 3-pointer ang ibinuslo ni Corey Brewer na siyang naghatid sa laro sa overtime at mula doon si Harden na ang nag-takeover para sa Rockets at nagtapos din na may 11 assists, 8 rebounds at 5 steals para sa nasabing emosyonal na araw ng koponan sa Toyota Center.

Tila patungo na sa kanilang ikalimang sunod na kabiguan ang Rockets bago ang nasabing milagrong triple ni Brewer sa natitirang .9 ng isang segundo sa regulation na nagtabla sa iskor sa 99.

Ilang oras pa lamang ang nakakalipas matapos sibakin ang kanilang dating headcoach, sinimulan ng Rockets ang laro ng puro errors at masamang shooting sa ilalim ng interim coach na si J.B. Bickerstaff, anak ng dati ring NBA coach na si Bernie Bickerstaff.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa kabilang dako, bumagsak naman ang Blazers sa kanilang ikapitong sunod na pagkatalo, ang kanilang pinakamahabang losing streak simula noong tapusin ang 2012-20-13 season na may 13-game losing skid.

Nanguna para sa Poartland si Damian Lillard na may 23 puntos habang nag-ambag naman si C.J. McCollum ng 19 puntos.

Tinapos naman ng Houston ang kanilang longest winning skid mula pa noong 2012-13 season.

Nagtala ng 19 rebounds para sa Rockets si Dwight Howard habang tumapos namang si Trevor Ariza na may 18 puntos at 16 naman si Brewer matapos hugutin sa bench. (AP)