Tiyak nang makakamit ni reigning MVP Kiefer Ravena ang kanyang ikalawang sunod na Most Valuable Player award sa pagtatapos ng ginaganap na UAAP Season 78 menâs basketball tournament.
Itoây matapos na manguna ang Ateneo skipper sa statistical points batay na rin sa inilabas ng official statistician ng liga na Imperium Technology kahapon.
Nagtala si Ravena na siya ring tinanghal na league leading scorer at league assist leader sa kanyang itinalang 18.9 puntos at 4.9 assists kada laro ng kabuuang 69.000 statistical points upang muling tanghaling MVP ng Season 78.
Siya ang ika-10 back-to-back MVP ng liga kasunod ni Ray Parks ng National University noong 2012 at 2013 at pinakahuling Ateneo player na nakapag-back-to-back MVP sa liga kasunod ni Rich Alvarez noong taong 2000 at 2001.
Inungusan ni Ravena ang kapwa niya Gilas cadet na si Kevin Ferrer ng kasalukuyang league leader University of Santo Tomas na pangatlo sa leading scorer sa itinala nitong average na 17.9 puntos na nakalikom ng kabuuang 67.3571 statistical points.
Pumangatlo naman sa kanila si National University foreign center at last yearâs Finalâs MVP na si Alfred Aroga, ang league leading shotblock artist na may average na 1.7 blocks kada laro na nakapagtala ng kabuuang 63.2857 SPâs.
Nasa ikaapat na puwesto naman si Jeron Teng, ang league second leading scorer sa average nitong 18.3 puntos na may natipong 60.7857 SPâs habang kinumpleto naman ng co-captain ni Ferrer sa Tigers na si Ed Daquioag ang league 4th leading scorer sa average nitong 16.4 puntos ang Mythical Team ngayong taon matapos magtala ng kabuuang 60.5714 SPâs.
Kasunod naman nila sa ikaanim na puwesto ang Cameroonian center ng Adamson na si Pape Sarr, ang league leading rebounder sa itinala nitong 13.4 rebounds na may kabuuang 58.2857 statistical points, pangpito ang beteranong sentro ng UST na si Karim Abdul na may 57.4286 SPâs, pangwalo si Gelo Alolino ng National University (55,7143 SPâs) at magkasunod sa ikasiyam at ika-sampung puwesto ang 1-2 punch ng Far Eastern University na sina Mac Belo (54.2857) at Mike Tolomia ( 50.2857).
Nangunguna naman bilang steals leader si Edison Batiller ng University of the East na may average na 2.1 steals kada laro kung saan pangatlo si Ravena na may average na 1.2.
Samantala, inungusan ni Andrei Caracut ng La Salle na nagtapos na ika-29 si Marvin Lee ng UST na siya namang ika-30 sa labanan para sa Rookie of the Year honors matapos makalikom ng kabuuang 31.6667 statistical points kumpara sa 31.4286 ng huli. (Marivic Awitan)