Piolo at Sam copy

SINO ang mas maputi kina Piolo Pascual at Sam Milby?

Naitatanong namin ito dahil parehong endorser ng whitening soap ang dalawang guwapong aktor, si Piolo para sa Silka Papaya Soap (ng Cosmetique Asia Corporation) at si Sam naman ay sa Dermablend Papaya Orange Soap (ng Diana Stalder-Dermaline).

Linggu-linggo ay nasa grocery kami at lagi naming nakikita na parehong maraming bumibili sa dalawang sabong iniendorso nina Papa P at Samuel Lloyd.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Pero ang claim ng spokesperson ng Silka sa ginanap na presentation ng Miss Silka Philippines 2015 na ginanap sa Felicidad Mansion, Baler Street, Quezon City noong Miyerkules ng hapon, ang produkto nila ang ilang taon nang number one sa market.

Nabanggit pa ng taga-Silka na hindi lang mga babae ang bumibili ng produkto nila kundi pati kalalakihan at gays.

“We are proud to say that 70% babae at 30% lalaki/gays po ang bumibili ng products namin. And we are proud to say that we’re number one in the market for so many years na,” sabi ng taga-Silka sa press.

Karamihan sa mga iprinisintang 30 Miss Silka candidates from all over the Philippines ay talagang mapuputi at makikinis. Inamin ng taga-Silka na mas may advantage na manalo sa kanilang beauty contest ang may maputing kutis.

May ilang kayumangging kandidata na para sa amin ay challenge sa Silka para paputiin sila lalo.

Katunayan, sobrang puti pala ng reigning Miss Silka 2014 na si Kathreen Grace Ahorro ng Puerto Princesa, Palawan.

Tulad niya, ang mananalong bagong Miss Silka this year ay mag-uuwi rin ng P120,000 cash prize, Silka Gift pack, at worth P100,000 cash donation courtesy of Cosmetique Asia Corporation na ibibigay niya sa kanyang chosen charity.

Ihahayag ang mananalong Miss Silka 2015 sa Sabado, Nobyembre 21 sa Activity Center ng Market! Market! Taguig City, 4 PM.

Sina Pinoy Big Brother Unlimited winner Slater Young at Miss International 2013 Bea Rose Santiago ang hosts at si Erik Santos naman ang haharana sa 30 kandidata.

Ang Miss Silka Philippines 2015 ay handog ng Cornerstone Events na siya ring responsable noong nakaraang taon ng nasabing beauty pageant para sa Cosmetique Asia Corporation.