Inihayag ni Philippine Olympic Committee president Jose Cojuangco Jr. na umaasa silang makakapag-uwi ng mga medalya ang mga Pilipinong atleta na kanilang ipapadala sa kauna-unahang pagdaraos ng World Beach Games sa taong 2017.

Inihayag ni Cojuangco ang planong paglahok ng bansa sa inaugural staging ng World Beach Games na gaganapin sa San Diego, California.

Kaugnay nito ay agad aniya silang magbubuo ng isang committee na siyang mamamahala at mag-aasikaso ng lahat ng mga kakailanganin para sa WBG gayundin sa pagpili ng mga sports na lalahukan sampu atletang ipapadala doon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Before, the beach games are just fun and games. Now, it has become really competitive,” ani Cojuangco. “We’ll prepare for this as early as we can.”

Noong nakaraang 2014 Asian Beach Games na ginanap sa Phuket, Thailand,noong Nobyembre ay nag-uwi ang Pilipinas ng tatlong gold medals sa pamamagitan nina ju-jitsu fighters Maybelline Masuda at Annie Ramirez at wind surfer Geylord Coveta.

“I’m confident that we can contend for medals on a global level,” ayon pa kay Cojuangco.

Ang World Beach Games ay nagtatampok sa mahigit 20 sports gaya ng tennis, soccer, volleyball, surfing, jet skiing, track and field, basketball at triathlon. (SPOTS Radio/FB)