Namatay ang isang empleyado makaraan siyang atakehin sa puso habang sakay sa isang UV Express van sa Pasay City, nitong Miyerkules ng gabi.

Patay na nang idating sa San Juan De Dios Hospital si Elmer Agaray, 52, may asawa, ng Block 5, Lot 6, Phase 3, Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite, dakong 10:45 ng gabi.

Sa inisyal na pagsisiyasat nina SPO1 Reynaldo Wangi at PO3 Henry Manong, ng Station Investigation Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police, dakong 9:45 ng gabi nang makaramdam si Agaray ng paninikip ng dibdib sa loob ng UV Express van (TYU-297) na may rutang Cavite patungo sa kanto ng Park Avenue Extension at Cuneta Street.

Nataranta ang ilang pasahero nang mapansin ang paghahabol ng hininga ni Agaray at tiyempong namataan sa lugar ang barangay tanod na si Abubacar Sultan, na agad na hiningan ng tulong ng mga pasahero para madala sa ospital ang empleyado gamit ang barangay service.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Sinasabing natagalan ang pagdadala kay Agaray sa pagamutan dahil sa mga nakaharang na orange plastic barrier ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa may EDSA.

Bella Gamotea