SAINT DENIS, France (Reuters) — Isang suicide bomber ang nagpasabog ng kanyang sarili sa isang police raid noong Miyerkules na ayon sa sources ay sumupil sa plano ng isang jihadi na atakehin ang business district sa Paris, ilang araw matapos ang serye ng pag-atake na ikinamatay ng 129 sa paligid ng French capital.
Nilusob ng mga pulis ang isang apartment sa Paris suburb ng St. Denis bago sumapit ang madaling araw para tugisin si Abdelhamid Abaaoud, ang militanteng Belgian na itinuturong utak ng mga pambobomba at pamamaril.
Armado ng matatas na kalibre, nakipagbarilan ang mga opisyal at nagpasabog ang mga militante nang pumasok sila gusali. Walong katao ang naaresto at kinukumpirma pa ng forensic scientists ang pagkakakilanlan ng mga namatay.