KATULAD ng orihinal na balakin, ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) forum, na kinaaaniban ng 21 ekonomiya ng apat na kontinente - Asia, North at South America at Europe – na iniuugnay-ugnay ng malawak na Pacific Ocean, ay nananatiling nakatuon sa kooperasyong pang-ekonomiya at kaunlaran sa pamamagitan ng pagpapasigla ng kalakalan at kaugnay na mga bagay-bagay para sa kaunlaran.

Sapagkat pinakamaiinam na makapagsikap ang kaunlarang pang-ekonomiya sa ilalim ng rehimen ng kapayapaan at katatagan, natanto rin ng mga APEC leader ang kahalagahan ng seguridad bilang isang karagdagang kondisyon bago mapanatili ang paglago ng ekonomiya.

Hindi kabilang ang seguridad sa opisyal na agenda ng katatapos lamang na 2015 APEC Leaders Summit sa Manila, ngunit hindi naiwawang mapaling ang talakayan sa seguridad, bunga ng magulong pag-aagawan ng teritoryo sa South China Sea/West Philippine Sea ng ilang ekonomista at agresibong asal ng China sa naturang lugar. Lalong naging masidhi ang mga isyu sa seguridad dahil sa walang katuturang pag-atake ng ISIS sa Paris kung saan napilitan si French President Hollande na huwag nang dumalo sa Manila APEC Summit.

Sa kabila ng makitid na pag-iisip ng karamihan sa atin na nabigong makita ang kahalagahan ng pagbubuklud-buklod sa rehiyon, isang espesyal na interes ang APEC sa buong daigdig. Kapag pinagsama-sama, binubuo ng mga miyembrong ekonomiya ang 57% ng gross domestic products ng daigdig at halos kalahati ng pagdaigdigang kalakalan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Marami sa atin ang bumabatikos sa APEC dahil sa pagsisikip ng trapiko at kaabalahang dinulot nito nitong mga nagdaang araw, at malaki ring halaga ng public funds ang nagamit para sa pagho-host nito.

Sa totoo lang, wala tayong pakinabang sa APEC kung hindi natin pagbubutihin ang ating kahusayan sa iba pang ekonomiya partikular na sa agrikultura, imprastruktura, at mabuting pamamahala sa pangkalahatan. Ang mga kabiguang ito, gayunman, ay ang ating mga obra maestra at hindi likha ng APEC.

***

Maaaring tama sina Pope Frances at dating Pangulong Fidel Ramos sa kanilang pag-unawa na ang malagim na pag-atake ng ISIS (Islamic State) sa Paris ay maaaring pasimulang kabanata ng waring World War III. Tulad ng inaasahan, gumanti ang France gamit ang mga bomba laban sa nakilalang ISIS targets sa Syria, na may suporta ng mga kaalyado, kabilang ang United States, United Kingdom at ilang bansang Muslim. Maaaring sumunod dito ang ilan pang hidwaan at maaari ring mauwi sa isang bagay na mas seryoso at pagsisisihan. (JOHNNY DAYANG)