Makaraang tapusin ang paghahari ng San Beda College sa National Collegiate Athletic Association sa loob ng limang taon, maghahangad naman ang reigning NCAA champion Letran ng isa pang titulo sa kanilang gagawing pagsabak sa darating na 2015 National Collegiate Championships.

Nakakasiguro na ang Knights bilang kampeon ng katatapos na NCAA Season 91 ng isang slot sa Elite 8 kasama ng defending champion Red Lions at CESAFI champion University of San Carlos.

Hihintayin naman nila ng mga magkakampeon sa iba pang mga liga kabilang na ang sampung ng runner-up ng UAAP gayundin ang dalawang mangunguna sa isasagawang Luzon at Metro Manila qualifier at ang mga magkakampeon mula sa Visayas at Mindanao qualifier para paglabanan kung sino ang tunay na kampeon ngayong taon.

Nagpalista na bilang mga kalahok sa Luzon-Metro Manila qualifying tournament ang mga NCAA schools Mapua at Jose Rizal University, gayundin ang mga sasalang pa lamang sa UAAP Final Four na University of Santo Tomas, Far Eastern University at Ateneo de Manila.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabilang naman sa Visayas-Mindanao qualifier ang University of Visayas, at University of San Jose Recoletos na sasamahan ng mga regional champions sa Mindanao.

Paglalabanan sa National Collegiate Championships ang titulo bilang Philippine premier collegiate champion mula sa kabuuang 36 na mga liga at 279 na koponan sa buong kapuluan. (Marivic Awitan)