Natagpuang tadtad ng bala ang bangkay ng isang leader ng mga Lumad sa San Miguel, Surigao del Sur, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa San Miguel Municipal Police, nangyari ang insidente sa Purok 5, Sitio Jaguimitan, Barangay Balhoon. Nakilala ang biktima na si Orlando Raboca, 53, pangulo ng Jaguimitan Water System Association.

Bago makitang patay ang biktima, unang iniulat sa pulisya na dinukot ito mula sa tribong Mandaya, sa nasabing bayan.

Makaraan ang ilang araw ng pagkawala ay natagpuang patay si Raboca at tadtad ng bala ang katawan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Inaalam na ng 402nd Infantry “Stingers” Brigade ng Philippine Army at Police Regional Office-13 PRO-13 ang responsable sa krimen. May hinala sila na may kinalaman ito sa pagiging opisyal ni Raboca sa water system association. (Fer Taboy)