CAIRO (Reuters) — Naglabas ang mga opisyal ng Islamic State noong Miyerkules ng litrato ng lata ng Schweppes soft drink na ayon dito ay kanilang ginamit para gumawa ng improvised bomb na nagpabagsak sa isang Russian airliner sa Sinai Peninsula ng Egypt noong nakaraang buwan, na ikinamatay ng lahat ng 224 na pasahero sakay nito.
Ipinakita sa litrato ang isang lata ng Schweppes Gold soft drink at ng tila detonator at switch sa asul na background, tatlong simpleng component na kung totoo ay posibleng pagmumumulan ng alalahanin ng airline safety officials sa buong mundo.
“The divided Crusaders of the East and West thought themselves safe in their jets as they cowardly bombarded the Muslims of the Caliphate,” sinabi ng English language na Dabiq magazine bilang pagtukoy sa Russia at sa West. “And so revenge was exacted upon those who felt safe in the cockpits.”
Nagpahayag ang Western governments na ang Airbus A321 ng Metrojet ay posibleng pinabagsak ng isang bomba at kinumpirma ito ng Moscow noong Martes sa parehong conclusion, ngunit sinabi ng Egyptian government na wala pa silang natatagpuang ebidensiya ng aksyong kriminal.
Naniniwala ang mga explosives expert na posible na ang device na ipinakita sa litrato ay kayang pabagsakin ang isang eroplano, depende kung saan ito matatagpuan at sa kapal ng pampasabog sa loob ng lata ng soft drink. Ang pinakamaselang lokasyon ay ang fuel line, cockpit o saan mang malapit sa fuselage skin.
“The placement is the critical thing,” sabi ni Jimmie Oxley, professor of chemistry na dalubhasa sa pampasabog sa University of Rhode Island.
Inihalintulad ito ni Oxley at ng iba pang eksperto sa pambobomba sa Pan Am Flight 103 ng mga Libyan national sa himpapawid ng Scottish town ng Lockerbie noong 1988. Lumabas sa imbestigasyon na isang palm-sized explosive na nakalagay sa cassette recorder sa loob ng isang bag sa luggage hold ang lumikha ng 50 centimeter na butas sa fuselage and decompression na naging dahilan ng pagkawasak ng eroplano sa ere.