Alma at Karen] copy

KAHIT may mga tumutuligsa ay higit na marami ang pumupuri kay Karen Davila sa kontrobersiyal na interbyu niya kay Alma Moreno sa programang Headstart. 

Napanood na rin namin ang kabuuan ng naturang interbyu kay Alma Moreno na tumatakbo for senator sa ilalim ng partido ni VP Jejomar Binay. Kumpara sa mga dating ininterbyung guest ni Karen sa naturang programa, halatang inalalayan ng news anchor ang aktres sa mga isasagot ng huli.

Nang masalubong namin si Karen sa hallway ng ABS-CBN, agad naming sinamantala ang tsansang maitanong ang pinag-uusapang isyu. 

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Napanood ba nila ang interbyu? Alam ba nila kung paano ko inalalayan si Alma? Hindi ko na ipinagpilitan pa ang mga gusto ko pang itanong sa kanya. I didn’t have intentions na ilagay sa alanganin si Alma,” maikling tugon ng hinahangaan naming news anchor at TV host na nakiusap sa amin na nagmamadali raw siya dahil tinatawagan na siya para sa kanyang iti-tape na programa.  

May mga nagsasabi na may mga tanong si Karen na hindi gaanong naintindihan ni Alma kaya ang nangyari ay mali-mali ang mga isinagot ng dating sexy actress. Pero ayon sa ibang observers, naipakita sa naturang interbyu na hindi pa handa ang aktres na humawak ng mas mataas na posisyon. 

Hindi nagawang sagutin ni Alma ang current issues sa bansa na ibinato sa kanya ni Karen kagaya ng kontrobersiyal na RH Bill at Bangsamoro Basic Law. 

Pero may komento pa raw si Karen bago mag-commercial break sa first gap ng interview na madali naman daw kasi ang mga showbiz interview.

In fairness din naman, hindi baguhan sa pulitika si Alma Moreno, naging first lady siya ng Parañaque for nine years, naging konsehal at siya ang kasalukuyang presidente ng Councilors League of the Philippines. (Jimi Escala)