SALT LAKE City – Ibinuslo ni Alex Burks ang go ahead basket sa natitirang 1:12 sa foursth period at umiskor ng siyam sa kanyang naitalang 13 puntos sa big fourth quarters ng Utah upang magapi nito ang Toronto, 93-89.

Umiskor naman si Derrick Favors ng 18 puntos at 11 rebounds gayundin ng isang clinching 3-point play para sa Jazz na naiiwan pa ng anim na puntos sa kalagitnaan ng final period bago sila nagsalansan ng 11-2 run na nagbigay sa kanila ng kalamangan.

Nag-ambag din si Rodney Hood ng 16 puntos, 6 rebounds at 4 na assists para sa Jazz habang tumapos namang may 17 puntos at 7 rebounds si Gordon Hayward.

Binalikat ni Luis Scola ang offensive load para sa Toronto sa first half sa kanyang itinalang 18 puntos bago tumapos na may season-high 22 puntos habang nagdagdag si Kyle Lowry ng 20 puntos, 6 at assists at 3 rebounds habang nag-ambag naman si DeMar De Rozan ng 14 puntos, 12 dito ay ginawa niya sa fourth period. (AP)

Manny Pacquiao, inintriga kung saan pupunta sa sabay na laban nina Jimuel, Eman sa Feb