Patay ang isang kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) makaraang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem, habang nasugatan naman ang isang matandang lalaki na tinamaan ng ligaw na bala sa Caloocan City, nitong Miyerkules ng gabi.

Dead on the spot si Jail Officer 1 Marwan Christopher Arapat, 27, nakatalaga sa Caloocan City Jail (CCJ), at residente ng Talimusak corner Tanigue Streets, Dagat-dagatan, dahil sa tama ng bala ng .45 caliber pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Masuwerte naman at sa kanang balikat lang ang tama ni Enerejo Selorico, 76, ng No. 155 Libis Espina, Barangay 18, Caloocan City, na nahagip ng ligaw na bala mula sa mga salarin.

Ayon kay SPO4 Joel Montebon, ng Station Investigation Division (SID), dakong 6:00 ng gabi nang mangyari ang krimen sa Tamban Street sa Bgy. 18.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Pauwi na galing sa duty si Arapat sakay ng kanyang service motorcyle nang biglang harangin ng dalawang suspek na magkaangkas sa itim na motorsiklo, na walang plate number.

Agad na pinaputukan ng back rider si Arapat hanggang sa matumba ito sa motorsiklo, habang tinamaan naman ng ligaw na bala si Selorico.

“Galit talaga ‘yung um-ambush, eh, imagine bumaba pa sa motor at pinagbabaril pa ‘yung victim. Inaalam pa natin kung related sa pagiging jail guard ang motive ng pagpatay,” sabi ni Montebon. (Orly L. Barcala)