Bigo na naman ang Pilipinas sa kanilang kampanya sa World Bowling Cup makaraang hindi makalusot sa top 8 ang ating mga pambatong sina Biboy Rivera at Liza del Rosario sa kompetisyon na ginaganap sa Sam’s Town Center sa Las Vegas, Nevada.

Nagtala lamang ang dating World Championships Men’s Masters champion na si Rivera ng kabuuang 1,676 pinfalls sa huling walong laro ng 32-game qualifications kung saan nakapagtala siya ng iskor na 151 at 180.

Sa kabuuan ay tumapos lamang na pang-sampu si Rivera matapos makatipon ng kabuuang 6,783 pinfalls,napag-iwanan ng 25 pinfalls ng pumangwalo at huling qualifier na si Tomoyuki Sasaki ng Japan.

Nanguna naman para sa men’s qualifiers si South African Francois Louw na sinundan nina Siu Hon-Wu ng Hongkong, Alexei Parshukov ng Russia, Rafiq Ismail ng Malaysia , Mumhammas Goh ng Singapore , at Ryan Lalisang ng Indonesia.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Parehas naman ang nangyari sa dating World Championship Trios gold medalist na si del Rosario na tumapos lamang na pang-14 makaraang magtala ng 1,570 sa kanyang huling 8 laro para makatipon ng kabuuang 6,384 pinfalls.

Nanguna para sa mga qualifiers sa kababaihan ang defending women’s champion na si Clara Guerrero ng Colombia.

Huling nagwagi ang Pilipinas sa World Cup noon pang 2003 sa pamamagitan ni CH Suarez sa edisyong idinaos sa Honduras.

(SPOTS Radio/FB)