Daryl 2 copy

ANG laki talaga ng pagkakahawig nina Daryl Ong at Jason James Dy na parehong produkto ng The Voice Season 2. Nang makita namin ang self-titled album ni Daryl, inakala naming picture ni Jason James Dy ang nasa cover. Gusto naming makita ang pagkakaiba nina Daryl at James kaya pinanood namin sa YouTube ang blind auditions nila sa The Voice 2.

Susme, hindi lang sila magkamukha, pareho rin ang timbre ng boses at estilo ng pagkanta nila.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Ang nakakaloka ay pareho ring umikot kina Daryl at James sina Coaches Lea Salonga, Apl de Ap at Sarah Geronimo.

Samantala, ang isa sa mga dahilan sa pagsali ni Daryl sa The Voice 2 ay para matupad ang kanyang pangarap na maging singer at makapag-ipon para hanapin ang anak na inilayo sa kanya ng ina nito. Sa madaling sabi, single dad siya.

Unti-unti nang sumisikat at marami-rami na ring shows si Daryl kaya ginawan siya ng album ng Star Music at ni Vehnee Saturno.

Pinakinggan namin ang self-titled album ni Daryl na may 8 songs at 3 bonus tracks at nagustuhan namin ang version niya ng Ikaw Na Nga ni Willie Revillame. In fairness, mas maganda nga ang pagkakakanta niya, di ba, Bossing DMB?

(Mismo! --DMB) Hindi naisama sa album ni Daryl ang kinanta niya sa blind audition ng The Voice na Paano ni Gary Valenciano, hmmm... mahal siguro ang rights. Anyway, ang iba pang awiting kasama sa album ay Mabuti pa, Dapat Pa Ba, It’s Not Easy Letting Go, Just Wanna Be With You, Parang Langit (duet with Angeline Quinto), Hopeless Romantic, Only You, Hanggang Wakas, S’yempre at Torpe. Kasama rin si Daryl sa The Big One fund raising concert produced ng Philippine Red Cross Rizal Chapter sa Nobyembre 27, Biyernes sa Ynares Sports Arena, Kapitolyo Pasig City.

(Reggee Bonoan)