KIDAPAWAN CITY — Magbibigay si Cotabato Governor Lala Mendoza ng P50,000 pabuya sa taong makapagbibigay sa mga awtoridad ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga sangkot sa serye ng paghahagis ng granada sa bayan ng Kabacan.

Ito ay bukod pa sa P50,000 na unang inialok ni Kabacan Mayor Herlo Guzman.

Sa isang pahayag, sinabi ni Mendoza na nasubukan ang mga pagsisikap na panatilihin ang kapayapaan at seguridad sa mga pagsabog ng granada sa bayan ng Kabacan at sa masaker sa limang miyembro ng isang pamilyang Maguindanaoan malapit sa bayan ng Carmen.

Kaugnay nito, kaagad na iniutos ni Mendoza ang reactivation ng Task Force Kabacan at walang puknat na operasyon ng pulisya sa national highway at sa mga lugar na itinuturing na problemado o “hot spots.”

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sumailalim naman ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng 17 munisipalidad sa Cotabato sa refresher course sa tamang paggamit ng baril at iba pang security measures.

Samantala, naglabas si Mendoza ng burial assistance sa mga kamag-anak ng mga pinaslang sa masaker ng pamilyang Agal at medical assistance sa mga nasugatan. (Malu Cadelina Manar)