Nilinaw kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 13 lang at hindi 14 na overseas Filipino worker (OFW), tulad ng unang naiulat, ang namatay sa vehicular accident sa Al Ahsa, Saudi Arabia.
“Our Embassy in Riyadh has confirmed that 26 overseas Filipino workers (OFWs) were riding a coaster when they figured in a vehicular accident; 13 of them died,” pahayag ni DFA spokesperson Charles Jose.
“Our Embassy has revised the figure of casualties from 14 to 13,” aniya.
Ayon kay Jose, 13 iba pang OFW ang nasugatan matapos sumalpok ang isang delivery van sa sinasakyang coaster ng mga biktima na minamaneho ng isang Pakistani habang patungo sila sa kanilang dormitoryo mula sa construction site.
“Our Embassy will assist in the repatriation of the remains as soon as the police investigation has been completed,” pagtitiyak ni Jose.
Base sa datos ng Commission on Filipino Overseas (CFO), aabot sa 1.2 milyon ang mga Pinoy na nakabase sa Saudi Arabia. (Madel Sabater-Namit)