BEIJING (AFP) — Binaril at napatay ng Chinese police ang 28 miyembro ng isang “terrorist group” sa Muslim region ng Xinjiang, iniulat ng state media noong Biyernes.

Nangyari ang pamamaslang sa loob ng 56-araw na manhunt kasunod ng pag-atake sa isang colliery sa Aksu noong Setyembre na ikinamatay ng 16 katao, sinabi ng Tianshan web portal ng Xinjiang regional government. Isa ang sumuko, ayon dito.
Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM