ROME (AP) — Nagbabala ang State Department na ang St. Peter’s Basilica sa Rome, at ang cathedral ng Milan at La Scala opera house, gayundin ang “general venues” gaya ng mga simbahan, synagogue, restaurant, sinehan at hotel ay tinukoy na “potential targets” sa dalawang lungsod na ito para sa terrorist attacks.

Nagpadala ang U.S. Embassy sa Rome noong Huwebes ng umaga ng isang “security message for U.S. citizens,” na nagsasabing ang “terrorist groups may possibly utilize similar methods used in the recent Paris attacks.”

Ilang oras bago nito, iniulat ng Italian state TV na nagpsa ang FBI ng impormasyon sa Italian authorities tungkol sa mga posibleng target ng terror attacks, kabilang na ang St. Peter’s at ang dalawang landmark sa Milan.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture