Sugatan ang isang tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) nang mahagip ng isang humaharurot na delivery van habang nagmimintina ng seguridad para sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa P. Burgos St., Manila kahapon ng umaga.

Kasalukuyang ginagamot ang biktimang si SPO1 Darwin Lorenzo sa Manila Doctors Hospital dahil sa tinamo nitong sugat matapos siyang mahagip ng isang Mitsubishi L300 delivery van dakong 6:00 ng umaga, ayon kay PO2 Gene Reyes ng Manila District Traffic Enforcement Unit.

Base sa imbestigasyon, sinabi ni Reyes na bagamat nakasuot na ng reflectorized vest sa ibabaw ng kanyang police uniform si Lorenzo habang sakay ng kanyang motorsiklo, hindi pa rin siya nakita ng driver na si Ronald Borcelis, 37, dahilan upang siya ay mahagip ng delivery van.

Sinabi rin ni Reyes na nawala ang caliber 45 service pistol ni Lorenzo nang mangyari ang insidente.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Samantala, iniligay si Borcelis sa kustodiya ng MDTEU upang sumailalim sa imbestigasyon hinggil sa pagkakabundol sa pulis. (Jenny F. Manongdo)