Sa idinaraos na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit ngayon sa Pilipinas, nagtitipon ang mga makapangyarihang leader ng mundo sa Manila upang pag-usapan ang kalakalan, kaunlaran at ekonomiya.

Ngunit mayroong kakaibang summit discussion na naglalaro sa social media, bunga ng pagdalo nina Canadian Prime Minister Justin Trudeau at Mexican President Enrique Peña Nieto — sinong world leader ang mas kaakit-akit?

Lumamig bigla ang ulo ng mga Pinoy sa trapik na dulot ng okasyon nang lumapag sa bansa noong Martes ng hapon ang dalawa sa 21 economic leaders.

At nahumaling ang social media kina Nieto at Trudeau.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Uminit ang debate na nakasentro sa hashtag na #APEChottie, na nagsimula sa Twitter sa Pilipinas noong Martes ng umaga, ngunit ngayon ay kumalat na sa buong mundo.

Maraming Twitter users ang binansagan si Trudeau bilang ang kaibig-ibig na “Canadian bae”, habang si Peña Nieto ay kinakikiligan bilang ang “Mexican papi”.

Isa itong unconventional way upang makuha ang atensyon ng tao para sa APEC proceedings ngunit epektibo para mapag-usapan ang okasyon. Nakagugulat ang popularidad ng hashtag.

Marami ang hinihimatay sa papi ng Mexico ngunit hindi patatalo ang hashtag support na nagpapakitang mas marami ang pabor sa bae ng Canada.

“One order of tacos, burrito and unli nachos! With Mexican President Nieto on the side?,” tweet ng isang netizen.

“The bae-conomic leader is in the Philippines? True? Trudeau!,” tweet naman ng isa.

“Kung alam ko laaaang! Nag-usherette na sana ako sa APEC,” sagot ng isa pa.

Ang kaguwapuhan ni Trudeau ay pinag-uusapan sa international press simula nang manalo siya sa eleksyon nitong Oktubre.

Naglabas pa ang Mirror, isang pahayagan sa United Kingdom, ng artikulong pinamagatang “Is Justin Trudeau the sexiest politician in the world?”

Sa gitna ng lahat ng paghanga, may iilang hindi naaaliw sa “madness” o kabaliwang ito. (CBC News, CNN)

[gallery ids="135754,135753"]