Sa ikalawang sunod na taon ay itinanghal na Most Valuable Player sa UAAP Season 78 women’s basketball tournament si Afril Bernardino ng National University (NU).
Nagtala ang Perlas Pilipinas standout ng kabuuang 70.6154 statistical point (SP) upang makamit ang MVP crown ngayong Season 78 batay sa ulat ng league official statistician na Imperium Technology.
Sapat na ang natipong puntos ni Bernardino para makamit ang kanyang ikalawang MVP award kahit hindi sya ginamit ni NU coach Patrick Aquino sa huling laro ng team sa eliminations kontra La Salle.
Pumangalawa sa kanya si Danica Jose ng Ateneo na nakatipon ng 62.5714 SP at pangatlo si Chery Ano-os ng University of the East (UE) na mayroong 60.9286 SP.
Nagtala si Bernardino ng average na 114.5-puntos, 8.0 rebound, 2.5 assist, 2.2 steal, at 2.1 block para sa Lady Bulldogs na winalis lahat ng 14 na laro nila sa eliminations upang makapasok ng diretso sa finals. (Marivic Awitan)