Kumpara sa unang dalawang araw sa isinasagawang isang linggong Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit, ay gumaan na rin ang daloy ng trapiko sa mga kalsada makaraang magdesisyon na isuspinde ang mga klase at trabaho sa mga apektadong lugar.

Ito ang ipinahayag kahapon ng umaga ni Emmanuel Miro, hepe ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Task Force APEC.

Gayunman, hindi pa rin maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko kahapon ng umaga sa dahilang biglaan ang pagpapasara ng maraming kalsada na iniutos ng Presidential Security Group (PSG) at Philippine National Police- Highway Patrol Group (PNP-HPG).

May mga pasahero at motorista ang na-stranded sa trapiko at hindi batid ang biglaang pagsasara ng mga kalsada.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“We are really asking for the public’s understanding as we are doing these additional road closures for everyone’s safety, following the recent attacks in Paris,” pahayag ni Miro.

Ayon kay Miro, may mga karagdagang kalsada na isinara mula pa kahapon ng 8:00 ng umaga kabilang na ang Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) Buendia patungong Mall of Asia (MOA).

Ang Skyway, na patungong Buendia northbound at southbound ay ipinasara rin dakong 7:00 ng umaga kahapon dahil pa rin sa isinasagawang APEC Summit. (Rachel Joyce E. Burce)