Kris, Erap at President Nieto copy

NAG-TRENDING si Kris Aquino last Tuesday at ang rason ay si Mexican President Enrique Peña Nieto. Si Kris ang special request ng Mexican president to welcome him at samahan siyang mag-tour habang nasa bansa siya para sa APEC Summit 2015. Nagkakilala na kasi sina President Nieto at Kris nang mag-stop over siya rito last year.

Sinamahan din ni Kris si President Nieto sa wreath laying sa Luneta kasama si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada. ‘Yun nga lang, marami ang nainggit at may nam-bash pa kay Kris dahil bukod sa head of state, guwapo rin si President Nieto. Sabi ni Kris, “He was so warm and appreciative of our Philippine hospitality.”

Sa mga uninformed na nagsabing ipinilit daw ni Kris ang sarili na sumalubong kay President Nieto, gayong ang totoo ay siya ang pinili nito. Kaya para ma-enlighten ang mga nagdududa, ipinost ni Kris ang briefing na ipinadala sa kanya at nakalagay doon ang, “Per Mexico, they prefer Ms. Kris Aquino to be the Presidential Sister present during the State Visit.

Human-Interest

'Puro kayo Labubu, mas masaya to!' Paper dolls noong 90s, naghatid ng nostalgia

“Sorry I needed to blur the other parts, but this was the part of the briefing sent to me 2 months ago. Pleasantly surprised & extremely flattered to have been requested.”

Hayan, sana maliwanagan na ang pag-iisip ng mga uninformed na nag-react, siya naman pala ang ni-request. Siguradong pati sa dinner nina President Nieto at President Noynoy Aquino kinagabihan, ni-request din ng Mexican president na present si Kris dahil present din ang TV host/actress.

Kaya nga magkatabi rin sila. Baka mas lalo pang marami ang mainggit kay Kris kung si Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang estimahin dahil guwapo rin ito.

(NITZ MIRALLES)