PARIS (AFP) — Nalusutan ang final line of defence ng medisina laban sa nakamamatay na sakit, nagtaas ng pangamba ng pandaigdigang epidemya, sinabi ng mga scientist, matapos matagpuan ang isang bacteria na hindi tinatablan ng mga last-resort antibiotic.
Ito ay maaaring magbunsod ng virtual na pagbabalik sa Dark Ages, ang panahong hindi kayang kontrolin ng mga doktor ang mga karaniwang mikrobyo gaya ng E. Coli, iuurong ang ilang siglo ng medical progress.
“These are extremely worryingly results,” sabi ni Liu Jian-Hua, professor sa Southern Agricultural University ng China at co-author ng isang bagong pag-aaral.
Natuklasan ni Liu at ng kanyang mga kasamahan ang isang gene, tinatawag na MCR-1, na nagpapahintulot sa bacteria na maging resistant sa isang klase ng antibiotics na kilala bilang polymyxins, ginagamit para labanan ang superbugs.
Ang gene, nakikita sa karaniwan ngunit nakamamatay na bacteria gaya ng E. Coli at K. Pneumoniae – ang sanhi ng pneumonia at mga sakit sa dugo – ay ginagawang invincible ang bacteria.