MAY panawagan kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista. Sa napipintong simula ng kampanya para sa halalan 2016 at ang kaakibat na “gun ban” o pagbabawal sa pagdadala at paggamit ng baril dahil suspendido lahat ng permit, ilang kinatawan sa iba’t ibang hanay sa ating lipunan ang lumapit upang sana ay madinig ang kanilang dighay at masolusyunan ang problema.

Naglabas ng sama ng loob ang mga taga-bangko, abogado, huwes, negosyante, alahera at iba pa dahil palaging huli magpasa ng resolusyon ang tanggapan tungkol sa mga alituntunin na susundin sa aplikasyon ng “exemption”. Hindi biro ang halos 5-6 na buwan na pakikipagpatintero sa tumataas na krimen habang wala kang depensa. Batay sa karanasan, inaabot ng ilang linggo bago pa makuha ng mga nangangailangan ng proteksyon ang kanilang “exemption” sa Comelec.

Kadalasan habang nakatengga ang kanilang papeles, mistulang hubad ang kanilang buhay sa masasamang-loob at peligro.

Koro nila, maaari bang maiba naman itong bagong komisyon na pinamumunuan ni Chairman Bautista? Mauna na nilang ilabas ang mga gabay at mga tao o kumpanyang saklaw upang masimulan na ang proseso. At pag-epekto ng “gun ban” ay plantsado na lahat dahil ayos na. Ngayon pa lang, gusto na nilang ayusin ang lahat ng papeles at dokumentong kakailanganin.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

May hirit pa sila na kung maaari, huwag na ulit-ulitin – pahirapan, sa mga clearances halimbawa sa NBI, dahil sa ilalim ng bagong batas sa baril, mahigpit na ito. Kalakip na ang lahat ng kailangang clearances bago pa magkaroon ng armas. At ang huli, hindi siguro kalabisan na payagan ang mga Regional o Provincial Comelec, kaakibat ng PNP at AFP doon, na sila na ang tumanggap at mag-apruba sa mga aplikante para hindi na mahirapan ang mga kababayan natin.

Sakaling nangangamba si Comelec Chairman Bautista na abusuhin sa ilalim ang naturang kapangyarihan, puwede ipatupad ang tinatawag na “automatic review” Comelec Intramuros. Halimbawa, ibig bang sabihin yung komentarista sa Cebu o Zamboanga kailangan pa ipadala at pumunta ng Manila para makakuha ng certificate mula sa Comelec? Alam naman natin, matindi ang pukulan at pondahan sa probinsya kaya nanganganib ang mga buhay ng media doon. Sa totoo lang, ang lisensyadong baril ay balakid sa katiwalian, lalo sa halalan. Ang dapat pangambahan ay ang milyun-milyong baril na hindi rehistrado. Yun na! (ERIK ESPINA)