Tinanggalan ng World Boxing Council (WBC) middleweight title si Miguel Cotto, apat na araw bago ang malaking pay-per-view na laban nito kay Canelo Alvarez ng Mexico, sa gaganaping boksing sa Las Vegas.

Ito ang inanunsiyo kahapon ng sanctioning body ng WBC.

Ang mainit na labanan nina Cotto-Alvarez, na lubhang nakalalamang ang una (40-4) laban sa huli (45-1-1), ay itutuloy pa rin sa kabila ng hindi, pagkilala ng WBC championship ni Cotto.

Ang pagkatanggal ng titulo ni Cotto ay nag-ugat sa umano’y pagtanggi nito na pumirma sa kasunduan sa laban.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Ayon sa mga reliable source na nakipag-usap sa ESPN, ang 35-anyos na si Cotto ay tumanggi sa WBC ng halagang $300,000 bilang sanctioning fee sa laban na kung saan ay kikita si Cotto ng mahigit na $30 milyon.

Ang 25-anyos na si Alvarez, na dating unified junior middleweight champion, ay masusungkit ang WBC middleweight crown kung talunin niya si Cotto, ang naging pahayag ng WBC.

Kaugnay nito, wala pang agarang reaksiyon o kumentaryo sa kampo ni Cotto.

“The WBC’s decision is premised on the fact that Miguel Cotto and his camp are not willing to abide by the governing WBC rules and regulations, and the specific conditions the WBC established to sanction the fight,” ang statement na inilabas ng WBC.

Sinabi naman ni WBC president Mauricio Sulaiman na ang pagtanggi ni Cotton a pirmahan ang kasunduan para sa laban nito sa Las Vegas ay lubhang nakakalungkot.

“The fight is still there, it’s a sellout and they’re going to make millions and millions,” ang sabi ni Sulaiman.

“Unfortunately, the sport was disrespected. If Canelo wins, he’s the champion, if Canelo loses, we will move forward.”

Idinagdag pa ni Sulaiman na kapag nanalo si Alvarez, ang kanyang susunod na laban ay kontra kay WBC interim champion Gennady Golovkin (34-0) ng Kazakhstan. (Reuters)