Apat na tauhan ng National Capital Region (NCR) ng Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) na sangkot sa “tanim-bala” ang sinibak na sa puwesto dahil sa alegasyon ng tangkang pangingikil sa American missionary na si Lane Michael White.

Ayon kay PNP AVSEGROUP spokesperson Chief Insp. Vicente Castor, sinibak sa posisyon ang apat na pulis dahil sa reklamong pangingikil sa American missionary na si Michael Lane White.

Ang mga suspek ay kinilalang sina SPO1 Rolando Clarin, SPO2 Romy Navarro, Chief Insp. Adriano Junio at Chief Insp. Eugene Juaneza, hepe ng investigation unit.

Unang sinibak si PNP AVSEGROUP-NCR Unit chief Sr. Supt. Ricardo Layug Jr., dahil sa modus ng “tanim-bala” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa imbestigasyon, ipinagtapat ni Michael White, na tinangka umano siyang kikilan ng P30,000 nina Clarin, Navarro at Junio para hindi na sampahan ng kasong illegal possession of ammunition.

Matatandaang papuntang Coron Palawan si White kasama ang ama at stepmother noong Setyembre 17 nang harangin ito sa airport dahil sa natagpuang bala sa kanyang bagahe. (Fer Taboy)