Isinugod ang 31 estudyante ng Suclaran National High School sa pagamutan makaraang malason sa kinain nilang cassava cake sa San Lorenzo, Guimaras.

Ayon sa report ng San Lorenzo Municipal Police, nakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at paninigas ng katawan ang mga biktima matapos kumain ng cassava cake.

Unang dinala ang mga biktima sa clinic ng paaralan, pero kalaunan ay inilipat din sa Guimaras Provincial Hospital.

Nakalabas agad sa pagamutan ang 15 sa mga estudyante habang naka-confine pa ang 16 at patuloy pang inoobserbahan ang kanilang lagay.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Susuriin naman ang cassava cake na kinain ng mga estudyante para matiyak kung ito nga ang nakalason sa mga biktima.

(Fer Taboy)