Dalawang Pilipinong Sanda fighter sa katauhan nina Divine Wally ng Baguio City at Hergie Bacyadan mula Kalinga Apayao ang magtatangkang makapag-uwi ng gintong medalya matapos tumuntong sa kampeonato ng ginaganap na kada dalawang taong 13th World Wushu Championships sa Jakarta, Indonesia.

Ang 19-anyos na si Wally, na produkto ng 2012 Philippine National Games, ay tinalo ang Korean na si Bokyeong Byeon sa 52-kg semifinal upang masiguro ang kanyang silya sa kampeonato.

Ang 21-anyos na si Bacyadan, na nakasiguro ng kanyang pinakaunang podium finish sa isang internasyonal na torneo sa kanyang kauna-unahang pagsabak sa labas ng bansa bagaman huli nang natututo sa sports, ay tinalo ang Egyptian na si Walaa Mossa sa round of four ng 65kg.

Si Wally, na 2013 SEA Games at Asian Junior Championships silver medalist ay nalampasan na ang dating mataas na naiuwing tansong medalya ni Evita Zamora ng Davao City’s Evita Zamora sa nakalipas na isinagawang torneo, ay sasagupain ang Vietnamese na si Luan Thi Hoang para sa ginto.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Makakasagupa naman ni Bacyadan ang beterano na Iranian na si Sharbano Manyouran Semiromi para sa ginto.

Ang kasalukuyan namang nagtatanggol na kampeon sa 52kg ay ang Vietnamese at sa 65kg ang Iranian.

Habang isinusulat ito ay sasagupa din sa semifinals ang iba pang miyembro ng suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) na Team Philippines na sina Francisco Solis at Arnel Mandal. Makakasagupa ni Solis ang isang Chinese habang si Mandalwill ay makakatapat ang isang Turkish sa 60kg at 52kg division.

Matatandaan na si Benjie Rivera, na isa nang coach, ay nagawang makapagbigay ng gintong medalya sa 52kg na kanyang ikalawa noong 2013 edisyon ng World Championships. Isang Iranian naman ang kasalukuyang kampeon sa 60kg class.

(ANGIE OREDO)