Umapela si Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo sa mga leader na dadalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit ngayong Miyerkules na solusyunan ang problema sa kahirapan at kagutuman sa Pilipinas.

Ayon kay Quevedo, nakikita niyang positibo ang magiging pag-unlad ng mga bansa, lalo na ng Pilipinas, kung ipatutupad ang “Trickledown Theory”, o iyong nararanasan ng mga nasa grass-roots ang pagsigla ng ekonomiya.

Aminado si Quevedo na bago maramdaman ng mga nasa grass root level ang trickledown development ay matatamasa muna ng malalaking negosyo ang kaunlaran.

“As of now because of what we call ‘Trickledown Theory.’ I’m sure that no economic philosophy in the present time will follow a strict Trickledown Theory. But generally the attributes, the qualities of trickledown development economy is like that trickledown. But the benefits of trickledown economic development, first, go to the already developed sections of society businesses, big businesses. Along time the benefits will go down to the poor. And we think that it should be turn around,” bahagi ng pahayag ni Quevedo sa panayam ng Radyo Veritas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“And I think APEC should think about that knowing the government of APEC I don’t think that will happen,” aniya pa.

(Mary Ann Santiago)