Nagpasya si Pangulong Benigno Aquino III na dumalo sa United Nations (UN) climate summit sa France para isulong ang pandaigdigang kasunduan upang maibsan ang mga epekto ng climate change.

Inanunsiyo ng Pangulo ang kanyang nalalabing biyahe sa ibang bansa, kabilang na ang kanyang pagdalo sa 21st Conference of the Parties (COP) sa Paris, France, sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO summit na ginanap sa Makati City.

“We’re going to COP 21,” sabi ng Pangulo sa summit forum na hosted ni CNN Andrew Stevens sa Makati Shangri-la Hotel.

Ang mahahalagang pag-uusap sa Paris, gaganapin sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11, ay naglalayong makabuo ng pandaigdigang kasunduan para limitahan ang temperatura ng mundo sa 1.5 degrees Celsius upang maiwasan ang mapanirang resulta ng pagbabago ng panahon at tumataas na karagatan. Inaasahang magsusumite ang mga bansa ng kanilang mga pambansang pangako upang mabawasan ang carbon emissions higit pa sa taong 2020.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Bago bibiyahe sa France, dadalo ang pangulo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Malaysia.

(Genalyn Kabiling)