Binalaan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko laban sa mga pekeng variant ng antibiotic para sa mga bata.

Sa Advisory 2015-076, sinabi ng FDA na kinumpirma ng Abbott Laboratories na ang Clarithromycin (Klaricid) 250 mg/5 mL granules for pediatric suspension, na may fruit punch flavor at gawa ng Berkshire, England, ay peke.

Ayon sa FDA, lumitaw sa laboratory analysis na ang counterfeit product ay walang sangkap na active ingredient na Clarithromycin.

Sinabi ng Abbott na madaling matukoy kung peke ang antibiotic dahil magenta color ang packaging nito, gayung ang genuine package ay may kulay asul na label.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

Iba rin umano ang font sa label ng pekeng gamot at pangit ang kalidad ng pagkaka-imprenta dito.

Hindi rin umano balido ang lot number ng pekeng gamot, maging ang expiry date at registration number nito.

Binalaan naman ng FDA ang lahat ng healthcare professionals at ang publiko na maging mapanuri laban sa naturang pekeng antibiotic, na maaaring maging sanhi pa ng panganib sa kalusugan ng batang paiinumin nito.

Ipinag-utos na rin ng FDA ang pagkumpiska sa mga nasabing produkto sa merkado. (Mary Ann Santiago)