DYOSA (61) copy

ISA si Dyosa Pockoh sa mga inaalagaang talents ni Panyerong Ogie Diaz, na isa nang certified business talent manager ngayon.

Na-discover ni Ogie si Dyosa sa Facebook, napansin ang post na iba-iba ang anyo na mala-dyosa o beauty queen, and presto, nabigyan agad siya ni Direk Wenn Deramas ng role sa Wang Fam movie of Viva Films bilang nagmamagandang katulong ni Candy Pangilinan.

So, hindi aswang ang role niya, ganu’n?

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Hindi naman, mukha lang akong aswang, ha-ha-ha! Pero pinaglaruan ni Direk Wenn ‘yung character ko do’n na laging nagmamaganda, laging nakaayos na parang hindi katulong,” natatawang kuwento ni Dyosa.

Bukod kay Candy, co-stars din ni Dyosa sina Pokwang, Benjie Paras, Wendell Ramos, Yassi Presman at Andre Paras. When asked kung halimbawang stranded silang lahat sa isang island na walang pagkain, ni hayop o prutas, sino ang kanyang kakainin if ever nagdidilim na ang kanyang paningin sa gutom, si Andre Paras ba?

“Ay, hindi. Si Wendell ang type ko. Eh, siyempre napaka-yummy ni Wendell. Pero baka hindi ko siya kainin pala, kasi ang bait niya sa akin, eh. Pero ‘pag bampira ka, eh, kahit na sinong bampira ka pa, talagang kakainin mo siya, ha-ha-ha!”

Kumpara kay Andre na mas bata kesa kay Wendell?

“Oo. Mas gusto ko si Wendell. At saka parang mas ka-close ko siya sa shooting namin. Hindi naman sa nasusupladuhan ako kay Andre, kaya lang hindi kami nagkakasama sa tent, eh. Si Wendell, ay Kuya Wendell pala, nakakasama ko sa tent kasi. Ang bait niya sa akin kahit baguhan pa lang ako,” katwiran niya with matching Broadway smile.

Francisco Suayan ang tunay na pangalan ni Dyosa Pockoh, tubong Lemery, Batangas.

“Five years ang kontratang pinirmahan ko kay Ogie Diaz bilang isa sa mga talents niya like Ysabel Ortega at Anjo Damiles,” pahabol na sabi pa ni Dyosa na malaki ang hawig kay Pokwang, in pernes.

Anyway, good luck to both of you, Dyosa at Panyerong Ogie Diaz! (MERCY LEJARDE)