LOS ANGELES (Reuters) — Dalawang Air France flight na patungong Paris mula United States ang na-divert noong Martes kasunod ng mga anonymous bomb threat, at daan-daang pasahero at crew ang ligtas na naibaba, sinabi ng airline at ng Federal Aviation Administration.

Ang Flight 65, isang Airbus A-380 na mula Los Angeles ay ligtas na lumapag sa Salt Lake City. Sakay nito ang 497 pasahero at crew. Isa pang flight na umalis sa Dulles International Airport sa labas ng Washington, D.C., ang Flight 55, ang pinalapag sa Halifax International Airport sa Nova Scotia. Sakay nito ang 262 pasahero at crew.

Sa isang maikling pahayag, sinabi ng Air France na ang dalawang flight ay naging “subjects of anonymous threats received after their respective take-offs.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'