LAOAG CITY, Ilocos Norte – Nagtakda ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng serye ng pagkawala ng kuryente sa Ilocos Norte sa Nobyembre 17, 18, at 19, upang bigyang-daan ang taunang preventive maintenance ng mga transmission line at transformers nito sa lalawigan.

Ayon kay Lilibeth P. Gaydowen, NGCP North Luzon public affairs officer, ang brownout ngayong Martes, Nobyembre 17, ay magsisimula ng 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon, na makaaapekto sa mga sineserbisyuhan ng Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC) sa Currimao, Badoc, Pinili, San Nicolas, Batac City at Paoay.

Sa Nobyembre 18, ang brownout ay 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon, na makaaapekto sa Laoag City, at San Nicolas; habang 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon din ang brownout sa Nobyembre 19, na makaaapekto sa Laoag City, Piddig, Dingras, Marcos at Burgos. (Freddie G. Lazaro)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito