Nakatakdang hamunin ni US President Barack Obama ang China sa pagtitipon ng mga lider ng Asia-Pacific sa Pilipinas ngayong linggo, tatalakayin ang agawan sa teritoryo at manliligaw para itakda ang pro-American trade rules.

Darating din si Chinese President Xi Jinping sa Manila para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit, isang taunang pagtitipon na naglalayong isulong ang pagkakaisa sa malayang kalakalan sa rehiyon.

Ngunit ang pagpupulong ngayong taon ay nanganganib na mabuhol sa iba’t ibang power struggle ng US at China, kabilang na ang South China Sea kung saan nagtatayo ang mga Chinese ng isla sa pinag-aagawang karagatan na ikinaalarma ng United States at ng mga kaalyado nito sa Asia.

Ang pandaigdigang panganib ng terorismo ay magiging unwanted talking point rin matapos imasaker ng armadong kalalakihan ang 129 katao sa serye ng pinag-ugnay na pag-atake sa Paris noong Biyernes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ng mga awtoridad ng Pilipinas na naglatag na sila ng pinakamalaking security operation para sa summit, na titipunin ang mga lider mula sa 21 ekonomiya sa Pacific Rim sa Miyerkules at Huwebes, ngunit matapos ang mga pamamaslang sa France ay nangakong paigtingin pa ang pagsisikap.

Kahit na sinasabi ng China na nais nitong magpokus ang summit sa kalakalan lamang, ipinahiwatig ng French attacks at ng atensyon ng US sa South China Sea na hindi ito makatotohanan, ayon sa kay Curtis S. Chin, dating US ambassador sa Manila-based Asian Development Bank.

“One cannot separate the economic and the non-economic in today’s interconnected world,” ani Chin, ngayon ay Asia fellow sa Milken Institute, isang non-partisan think-tank, sa AFP.

Sinabi ni US National Security Advisor Susan Rice na ang iringan ay magiging “central issue” sa tatlong araw na pagbisita ni Obama sa Pilipinas na magsisimula ngayong Martes, at susundan ng pagbisita sa Malaysia para sa isa pang regional summit.

Sa kanyang unang press conference bilang official APEC spokesperson noong Biyernes, sinabi ni DFA spokesman Charles Jose na bagamat ang isyu ay wala sa official agenda, maaari itong talakayin ng mga lider sa kanilang retreat o pahingahan. (Agence France Presse)