BAGUIO CITY – Inaasahan ng Summer Capital of the Philippines ang dagsa ng mga turista sa lungsod sa mga susunod na araw dahil bukod sa dalawang malalaking event na idaraos dito at wala ring pasok sa trabaho at eskuwela ang mga taga-Metro Manila dahil sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit.

Idaraos sa Baguio ang 62nd Mines Safety and Environment Week sa Nobyembre 17-20, gayundin ang ika-66 na Fil-Am Invitational Golf Tournament sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 7.

Dahil ang bansa ang punong abala sa APEC meeting sa Metro Manila, sinuspinde ng Malacañang ang trabaho sa mga ahensiya ng gobyerno at maging sa pribadong sektor (Nobyembre 18-19). Suspendido naman ang klase sa mga eskuwelahan sa Nobyembre 16-20, kaya inaasahan nang dadagsa sa Baguio ang mga bakasyunista.

Dahil dito, inihayag ni Mayor Mauricio Domogan, sa bisa ng Administrative Order No. 136, na suspendido na ang implementasyon ng number coding scheme para sa mga pribadong sasakyan sa lungsod simula ngayong Martes, Nobyembre 17, hanggang sa Disyembre 7.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Ang 62nd Annual National Mine Safety and Environment Week ay idaraos sa CAP John Hay Trade and Cultural Center, habang sa Baguio Country Club at Camp John Hay naman isasagawa ang 66th Fil-Am Invitational Golf Tournament.

(Rizaldy Comanda)