Bawal pumasok ang mga sasakyan sa Intramuros sa Maynila ngayong linggo kaugnay ng paghahanda ng gobyerno para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit.

“All entry points to Intramuros will be closed to vehicles: 18 Nov., 6 p.m., to 19, Nov. 4 p. m.,” tweet ng Intramuros Administration (IA).

Gayunman, sinabi ng IA na pahihintulutang pumasok sa makasaysayang lugar ang mga residente at empleyado na nakabase sa Intramuros, ngunit sa Victoria Street lang sila maaaring pumasok.

Ito ang inihayag ng IA ilang araw bago ang paglilibot ng mga delegado ng APEC sa tanyag na historical settlement sa Maynila.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ayon sa APEC National Organizing Council (ANOC), mapapanood ng mga delegado ng APEC ang pagsasadula sa panahon noong ang Walled City ay nasa ilalim pa ng pananakop ng Espanya. (Samuel P. Medenilla)