TOKYO (Reuters) — Magkakaroon ng kasunduan ang mga lider ng Japan at Pilipinas ngayong linggo upang bigyang daan ang pagsu-supply ng Tokyo sa Manila ng mga used military equipment, na posibleng kabibilangan ng mga sasakyang panghimpapawid na maaaring italaga para magpatrulya sa pinagtatalunang South China Sea, sinabi ng mga impormante.
Ang kasunduan ay magmamarka ng unang pagkakataon na pumayag ang Japan na direktang magkaloob ng military equipment sa isa pang bansa, at ang huli sa mga halimbawa ng pinalakas na security agenda ni Prime Minister Shinzo Abe.
Ihahayag ang kasunduan sa military technology matapos ang pagpupulong sa Miyerkules nina Abe at Pangulong Benigno Aquino sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Manila, sinabi ng tatlong impormante sa Tokyo na pamilyar sa isyu.
Noong Hunyo, nagkasundo sina Abe at Aquino na simulan ang mga pag-uusap sa visiting forces agreement na magbubukas ng daan para magamit ng Japan ang mga base sa Pilipinas para sa refuel ng mga sasakyang panghimpapawid at resupply ng mga sasakyang pandagat ng navy.
Gagawa rin ang Japan ng 10 sasakyang pandagat para sa Philippine coastguard.