Nasungkit ng Los Angeles Lakers ang kanilang ikalawang panalo kontra Detroit Pistons sa iskor na 97-85, at muling bumida si NBA star Kobe Bryant, na nagtala ng 17 puntos, walong rebound at siyam na assist sa Staples Center noong Linggo.

Samantala, natalo naman ang Toronto Raptors ng Sacramento Kings sa iskor na 107-101.

Nanguna si DeMarcus Cousins, na nagtala ng 36 points at 10 rebounds. Ito rin ang pang-limang panalo ng Kings pero may pitong talo sila.

Samantala, si Lakers guard Jordan Clarkson ay nagtala rin ng 17 puntos. Si Kobe ay nakagawa ng anim sa 19 na shots.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Lakers guard Nick Young naman ay umiskor ng 13 puntos. Ang unang panalo ng Lakers ay sa laban nito kontra Brooklyn Nets. Si Center Roy Hibbert ay nakapagbuslo ng 12 puntos at may pitong rebound.

Sa kabila ng kanilang kabiguan sa pagsisimula ng new season ng NBA, tinalo ng Lakers ang Piston sa ikapitong beses at 10 beses sa nakalipas na 11 meetings.

Nakakaungos na ang Los Angeles sa 78-74 lead nang mag-dunk si Drummond sa alley-oop pass mula kay Reggie Jackson, na may 7:28 na natitira, pero agad namang nakaiskor ang Lakers sa seven consecutive points, sa pagsimula ng tatlong puntos na itinala ni Bryant at mayroong 3:44 natitirang minuto. (PNA)