janella at julia copy real

SA nakaraang episode ng Maalaala Mo Kaya last Saturday, tinalakay ang kuwento ng pagmamahalan at mga problemang pinagdaanan ng fraternal sisters na ginampanan nina Julia Barretto at Janella Salvador.

Sa naging word-of-mouth na feedback, mukhang negatibo ang dating sa karamihan dahil, unang-una, hindi raw nag-jive as ‘sisters’ sina Julia at Janella, as in hindi sila bagay na sisters.

Hindi rin na-tackle kung bakit black/thin at white/fat ang karakter ng dalawa.

Trending

Kilalanin si Donald Trump at ang muli niyang pagbalik bilang Pangulo ng Estados Unidos

True, mas napansin daw ng viewers ang pagiging malusog ni Julia.

Ang sabi ng viewer na si Joaynne Muksan from Zamboanga City, “Magsing-lusog na sina Julia at ang mommy (Marjorie Barretto) niya.”

Nagmamalasakit pang sabi ng viewer, “Huwag sanang pabayaan sa kusina si Julia, di ba pamilya sila ng heavyweight?

Suki pa naman kami ng Barrettos.” Meaning, ‘pag may Barreto sa cast, nakakasiguro silang matinong project ito, kaya pinapanood niya.

Constructive din ang puna ng ilan sa paglobo ni Julia dahil inaaalala nila ang nalalapit nitong teleserye na And I Love You So with Iñigo Pascual, Miles Ocampo at ang PBB 737 housemate at sinasabing schoolmate ni Julia noon na si Kenzo Gutierrez, isang Atenean. (ADOR SALUTA)