Walang lugar sa isang sibilisadong lipunan ang terorismo.

Ito ang inihayag kahapon ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, bilang pagkondena sa terror attack sa Paris nitong Nobyembre 13.

“Causing the death of anyone is a sin against God and a crime against humanity,” sabi ni Villegas.

Kasabay nito, nanawagan si Villegas sa mga mananampalataya na sama-samang manalangin, hindi lamang para sa Paris at mga biktima at mga nagluluksang kaanak ng mga ito, kundi maging sa mga may kagagawan ng krimen, upang manauli ang kanilang “sense of humanity”.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Pray for the terrorists that a new sense of humanity will possess their souls again,” sabi ni Villegas.

“Our brothers’ blood is crying from the bloodied soil not for vengeance but for end to senseless violence. Stop terror! Do not be afraid! Do not be afraid of peace,” aniya pa.

Inamin ng teroristang grupo ng Islamic State (IS) na ito ang responsable sa magkakaugnay na pamamaril at pambobomba sa anim na lugar sa Paris nitong Biyernes, na ikinamatay ng 129 na katao. (Mary Ann Santiago)